1 patay, 18 arestado sa anti-drug operation sa Cavite

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 02, 2018 - 11:18 AM

Inquirer file photo

Isa ang nasawi habang arestado ang labingwalong iba pa sa ikinasang anti-drug operation sa Cavite sa nakalipas na 24 na oras.

Sa bayan ng Mendez, patay ang suspek na si Erickson Sarmiento nang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kaniya ala 1:00 ng madaling araw ng Huwebes sa bahagi ng barangay Bucal.

Ayon kay Cavite police director Sr. Supt. William Segun, nakuha mula sa suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu.

Si Sarmiento ay dati na ring nasampahan ng kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Samantala, apat naman ang nadakip sa pagsisilbi ng search warrant sa Barangay Ibayo Silangan at Barangay Timalan Balsahan sa bayan ng Naic town at sa Barangay Bagtas naman sa Tanza.

Ginawa ang operasyon sa pagitan ng Miyerkules hanggang madaling araw ng Huwebes.

Sa hiwalay ding operasyon, dalawa pang drug suspects ang nadakip sa Cavite City, dalawa sa Dasmariñas City, dalawa sa Kawit, dalawa sa Alfonso, isa sa Noveleta, tatlo sa Tanza, at dalawa pa sa Gen. Mariano Alvarez.

TAGS: anti illegal drug operation, cavite, War on drugs, anti illegal drug operation, cavite, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.