Rice Tariffication Bill tinalakay na sa plenaryo ng kamara

Inquirer file photo

Inisponsoran na ni House Agriculture Ckmmittee Chair Jose Panganiban sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 7753 o Rice Tariffication Bill na isa sa priority measure ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng panukala, magpapataw ng 35% na bound tariff rate sa mga aangkating bigas mula sa mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asean Nation o ASEAN.

Kapag naging batas ang panukala, aalisin na rin nito ang limitasyon sa importasyon ng bigas at ipauubaya na sang rice importation sa pribadong sektor pero mayroon itong taripa.

Maari pa rin namang mag-angkat ang National Food Authority o NFA ng bigas pero para lamang sa pagtiyak ng food security gayundin ang buffer stock ng bansa para sa labing limang araw.

Nagtatakda din ang panukala ng pagbuo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund mula sa duties na makokolekta sa pag-angkat ng bigas.

Read more...