3 hinihinalang tulak ng droga arestado sa Maynila

By Ricky Brozas August 02, 2018 - 10:33 AM

Kuha ni Ricky Brozas

Nadakip ng Drug Enforcement Unit ng Ermita Police Station (PS-5) ang tatlong indibiduwal na hinihinalang tulak ng droga matapos magkasa ng buy-bust operation sa bahagi ng Taft Avenue kanto ng Pedro Gil Street.

Pinangunahan ni Police Senior Inspector Ildefonso Quilang ang operasyon kaya nadakip ang mga suspek na sina
Jenson David, 30 anyos; Jezzalyn Cao, 30 anyos; at Rubylyn De Guia, 29 anyos.

Nakuha mula sa mga suspek ang dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at P300 na pera na ginamit ng mga pulis bilang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002 ang kinahaharap ngayon ng mga suspek na pawang nakapiit na sa locked-up ng Ermita Police.

TAGS: anti illegal drugs operation, Ermita, manila, anti illegal drugs operation, Ermita, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.