EU nagpaabot ng pakikiramay sa Pilipinas dahil sa naganap na pagsabog sa Basilan

Nagpa-abot ng pakikiramay ang European Union sa Pilipinas matapos ang insidente ng pagsabog sa Lamitan City, Basilan na ikinasawi ng 10 katao.

Sa pahayag, sinabi ni EU Ambassador to the Philippines, Franz Jessen determinado ang EU sa pagsugpo sa terorismo sa buong mundo at nakikiisa sila sa mga bansang apektado nito.

Nagpahayag din ito ng simpatya sa pamilya ng mga nasawing biktima.

Magugunitang kontrobersiyal ang relasyon ng Duterte Administration sa EU.

Ilang buwan ang nakararaan tinanggihan ng gobyerno ang biyun-bilyong tulong mula sa EU para sa Pilipinas.

Read more...