DOTr humingi ng paumanhin sa naranasang pagbaha sa Mactan Airport
Humingi ng paumanhin ang Department of Transportation sa mga pasahero matapos makaranas ng pagbaha sa departure area ng Mactan-Cebu International Airport Terminal 2.
Matapos makarating sa DOTr ang insidente agad ipinag-utos ang inspeksyon sa lahat ng road drains sa terminal para matiyak ang normal na daloy ng tubig sa drainage system.
Ayon sa DOTr, dahil sa matinding pag-ulan na naranasan noong Martes binaha ang bahagi ng departure area at natukoy nila na ito ay bunsod ng baradong drainage.
Agad aniyang nagsagawa ng maintenance works sa lugar na pinangunahan ng mga tauhan ng GMR Megawide.
Bilang long term solution, pinag-aaralan ng DOTr ang paglalagay ng exterior blinds sa link-bridge upang maiwasan na pumasok ang tubig ulan sa bahagi ng terminal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.