Pilipinas naghahanda na para sa Sea Games hosting
Ngayon pa lamang abala na ang Pilipinas sa paghahanda para sa South East Asian o Sea Games na gagawin sa November 30 hanggang December 10, 2019
Sa economic briefing sa Malakanyang, sinabi ni Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon, isang Sea Games Athletic Stadium ang ginagawa ngayon sa New Clark City, Pampanga.
Puspusan aniya ang konstrukyon at target matapos sa Setyembre ng susunod na taon.
Ayon kay Dizon, sa Oct. 2019 maaring isagawa ang dry run para sa nasabing stadium.
Ang Pilipinas ang magsisilbing host sa 2019 Southeast Asian Games.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.