Saglit lang nahawakan ng isang dating Kurdish Refugee ang kaniyang award mula sa Fields Prize sa Rio De Janeiro sa Brazil dahil ito ay ninakaw ng mga kawatan.
Binigyang pagkilala si Caucher Birkar, dating refugee na naging matagumpay at naging math professor sa Cambridge University at pinagkalooban ng Nobel for Mathematics award.
Pero ilang minuto matapos ang seremonya, nawala ang 14 karat gold na medalya.
Ang Rio de Janeiro ang kauna-unahang Latin American City na nag-host ng Fields Prize kaya ayon sa mga organizer ng event na Congress for Mathematics, kahiya-hiya ang pangyayari.
Ang briefcase ni Birkar na naglalaman ng mga gamit niya kasama na ang gintong medalya ay ninakaw ng hindi pa nakikilalang salarin.
Ang Fields Prize ay nagbibigay parangal sa mga taong mayroong outstanding achievements sa Mathematics.
Si Birkar ay ipinanganak sa isang ethnic village sa Kurdish Province malapit sa Iran-Iraq border.
Sa kabila ng mga pinagdaanang hirap ng buhay nagawa ni Birkar na maging matagumpay at nakapag-aral sa Tehran University.