Metro Manila, mga kalapit na lalawigan maagang inulan

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 02, 2018 - 07:54 AM

Maagang nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang metro manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 4:35 ng umaga, heavy hanggang intense ang naranasang pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Rizal, Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna at Bataan.

Dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan ilang lansangan sa Metro Manila ang nakaranas na ng gutter deep na pagbaha.

Agad din namang humupa ang pagbaha nang huminto ang malakas na buhos ng ulan.

Samantala, alas 6:25 naman ng umaga, sinabi ng PAGASA na muling nakaranas ng malakas na pag-ulan ang Mandaluyong, Maynila at Makati; mga bayan ng Nasugbu at San Luis sa Batangas; Magallanes, Maragondon, Ternate, Gen. Emilio Aguinaldo sa Cavite; Morong, Bataan; at sa San Antonio at Subic sa Zambales.

TAGS: heavy to intense rains, Metro Manila, Radyo Inquirer, weather, heavy to intense rains, Metro Manila, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.