1,000 pulis ang sangkot sa illegal drug trade – PNP

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 02, 2018 - 07:45 AM

Aabot sa 1,000 pulis na pawang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga ang target ngayon ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ang mga nabanggit na pulis ay kanilang minomonitor dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade o di kaya ay pagiging protektor ng mga sindikato ng droga.

May ginagawa na aniyang hakbang ang pamunuan ng PNP para matukoy ang mga pulis.

Sa pinakahuling datos ng PNP Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) mula noong February 3, 2017 hanggang July 31, 2018 ay umabot na sa 87 mga tiwaling pulis ang kanilang naaresto.

Ayon naman sa PNP Internal Affairs Service nasa 69 na police personnel ang nasampahan na ng kasong administratibo ng CITF at 56 ang nasibak sa serbisyo.

TAGS: CITF, illegal drug trade, PNP, police scalawags, CITF, illegal drug trade, PNP, police scalawags

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.