Traffic sa NCR maiibsan sa loob ng isa hanggang dalawang taon ayon sa DPWH

By Chona Yu August 02, 2018 - 01:00 AM

Humihingi ng dagdag na pang-unawa ang Department of Public Works and Highway sa mga motorista dahil sa nararanasang traffic sa Metro Manila bunsod ng Build, Build, Build Program ng pamahalaan.

Sa pulong balitaan sa Malacañan, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na sa loob ng isa hanggang dalawang taon na lamang ay unti-unti nang mararamdaman ang ginhawa sa daloy ng trapiko.

Pagtiyak ni Villar, malapit nang matapos ang mga ikinasang infrastructure project sa Metro Manila.

Halimbawa na lamang aniya ang Laguna Lake hi-way na magiging operational na ngayong taon, gayundin ang Harbor Link na magbubukas partikular sa third quarter ngayong 2018.

Bukod pa dito ang opening sa susunod na taon ng skyway project at connector road gayundin ang tulay na mag-uugnay sa Pasig River.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.