4 na hinihinalang drug couriers, naaresto ng PDEA

By Isa Avendaño-Umali August 02, 2018 - 12:57 AM

Arestado sa magkahiwalay na buy-busy operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon ang apat katao na ginagamit umanong drug courier.

Sa ipinatawag na press briefing ng PDEA National Headquarters, kinilala ni Special Enforcement Service (PDEA-SES) Director Levi Ortiz ang mga suspek na sina Deo Presquito, Rida Ambad Hajirul, Masturga Uga Mlok, at Abdulhamid Lidasan Abedin.

Ayon kay Ortiz, unang ikinasa ang operasyon bandang alas-dose ng tanghali na ikinaaresto nina Hajirul, Mlok, at Abedin na mga na-receruit umano na courier ng droga mula sa Zamboanga City at Cotabato City.

Aniya, nabawi mula sa tatlo ang 600 grams ng suspected shabu sa operasyong ginawa sa parking area ng Walmart sa Bicutan, Taguig.

Sinabi ni Ortiz na sunod na tinarget ng mga operatiba si Presquito pasado ala-una ng hapon sa bahagi ng Congressional Avenue sa Bahay Toro, Quezon City kung saan nabawi sa kanya ang isang kilo ng pinaghihinalaang shabu.

Sumatutal, nasa mahigit P10.8 million ang tinatayang street value ng drogang nasabat sa apat na suspek.

Matagal na umanong tiniktikan ng PDEA ang aktibidad ng apat na nagsisilbi umanong drug courier ng sindikato dito sa Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.