Speaker GMA pabor sa separate voting ng Senado at Kamara sa Chacha

Pabor si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magkaroon ng magkahiwalay na botohan ang Kamara at Senado para sa panukalang Charter Change.

Ayon kay SGMA, sangayon siya sa nais ng Senado na separate voting upang umusad na ang chacha.

Sinabi nito na ayaw niyang makipagmatigasan sa mga senador dahil wala naman itong mararating.

Hindi naman nagbigay ng timeline ang House Speaker para sa chacha pero iginiit nito na nais niya na umusad ang panukala na isa sa prayoridad ni Pangulong Duterte.

Paliwag ni GMA, ayaw na niyang maulit ang nangyari noong siya ay presidente pa na nauwi sa stalemate ang chacha dahil lamang sa isyu ng botohan.

Kaugnay nito, sinabi din ng house speaker na magkakaroon ng reorganisasyon sa House Committee on Constitutional Amendments.

Read more...