Nakatakdang lumaban ang University of the Philippines bilang kinatawan ng bansa sa Cheerleading World Championships na gaganapin sa Berlin sa susunod na buwan.
Ito ay ayon sa pahayag na inilabas ng Philippine Embassy sa Berlin.
Layon ng UP na maiuwi ang gintong medalya matapos manalo ng bronze medal sa Cheer Mixed event at silver medal sa Partner Stunts noong nakaraang taon sa parehong patimpalak na ginanap naman sa Bangkok.
Labingsiyam na bansa ang makakalaban ng Pilipinas sa nasabing patimpalak na nakatakdang ganapin sa November 21 hanggang 22 na dadaluhan ng hindi bababa sa 1,300 na participants.
Hawak ng UP Pep Squad ang pinakamaraming panalo sa UAAP Cheerdance Competition.
Sasalihan ng UP ang Cheer Mixed, All Girls, Group Stunts at Partner Stunts events.