FDA nagbabala tungkol sa 5 hindi rehistradong food products
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa mga konsyumer tungkol sa pagbili at pagkonsumo ng limang hindi rehistradong food products sa merkado.
Inilabas ng FDA ang kanilang advisory laban sa MORRIS Cocoa Chips Butter Crunch Cookies; IDAHOAN Loaded Baked Mashed Postates; MISSVICKIE’s Smokehouse BBQ flavored; BESTHEALTH Menthol Cough Suppresant, Oral Anesthetic, Cherry flavor; VALLEY Produce Plain Crackethin Australian Watercrackers.
Ayon sa ahensya, hindi nila matitiyak ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto dahil hindi ito sumailalim sa evaluation at testing process.
Sinabi pa ng FDA na ang pagkonsumo sa mga naturang produkto ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.
Muling ipinaalala ng FDA sa publiko na huwag bumili ng mga food products na hindi nakarehistro sa ahensya.
Nagpaalala rin ito sa mga establisyimento na huwag magbenta ng mga produktong hindi rehistrado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.