Dating Representative Heminio Teves, kinasuhan sa Sandiganbayan kaugnay sa maanomalyang paggamit ng PDAF

By Isa Avendaño-Umali August 02, 2018 - 02:48 AM

Sinampahan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong graft at malversation si dating Negros Oriental 3rd district Representative Herminio Teves.

Ito’y kaugnay ng umano’y ghost project nito gamit ang kanyang Priority Development Assistance Fund o PDAF na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Bukod kay Teves, nahaharap din sa kaso ang dating nitong chief of staff na si Hiram Diday Pulido; mga opisyal ng Technology Livelihood and Resource Center na sina Antonio Ortiz, Dennis Cunanan, Francisco Figura, Marivic Jover, at Belina Concepcion; at Molugan Foundation Inc. o MFI President Samuel Bombeo Sr.

Lumabas sa imbestigasyon ng prosekusyon na noong Pebrero 2007, inendorso ni Teves ang MFI bilang non-government organization-partner ng TLRC para sa pagpapatupad livelihood programs nito.

Pero, nabuking na hindi dumaan sa public bidding ang pagpili sa MFI na isang paglabag sa Government Procurement Reform Act.

Hindi rin daw totoo na ginamit ang pondo para sa proyekto.

Inirekumenda naman ang paglalagak ng P70,000 na piyansa para sa bawat akusado.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.