Dengue outbreak idineklara sa Baybay City, Leyte

By Rhommel Balasbas August 02, 2018 - 03:28 AM

Idineklara ng Department of Health (DOH) ang dengue outbreak sa Baybay City, Leyte matapos ang paglobo ng kaso ng dengue sa lungsod.

Umabot na sa 308 kaso ng dengue ang naitala sa Baybay kung saan tatlo na ang namatay.

Noong nakaraang buwan lamang ay idineklara ng pamahalaang lokal ng Baybay ang state of health emergency upang magamit ang calamity fund para tugunan ang paglobo ng kaso ng sakit.

Iprinayoridad ng mga local officials ang fogging at clean-up activities sa mga baranggay.

Umabot na sa 1,792 ang kaso ng dengue na binabantayan sa Eastern Visayas.

Ayon kay DOH information officer John Paul Roca, dahil sa paglobo ng mga kaso ng sakit ay dapat paigtinfin pa ng mga opisyal hanggang sa mga baranggay ang mga programa upang puksain ang mga lugar na pinangingitlugan ng mga lamok.

TAGS: Health, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.