P1.7M shabu narekober sa buybust sa Taguig City

By Justinne Punsalang August 02, 2018 - 04:28 AM

Arestado ang pito katao sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa isang drug den Barangay Usuan, Taguig City.

Nakilala ang primary target ng operasyon na si Gary Cruz alyas Pong na isang tulak ng iligal na droga at nagmimintena sa drug den. Ang kanya namang mga kasabwat ay sina Zosima Rogerson, Napoleon Tolentino Jr., Jose Gallardo Carlos, Ariela Legaspi, Arturo Villar, at Rene Pascual.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nagkasa ng operasyon ang pinagsanib-pwersang PCP 6 ng Taguig City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office NCR matapos makatanggap ng impormasyon tungkol sa operasyon ng drug den sa nasabing barangay.

Nang salakayin ang barung-barong na nagsisilbing drug den ay narekober ang 250 gramo ng hinihinalang shabu na mayroong street value na P1.7 milyon.

Mahaharap ang mga arestadong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: drugs, shabu, drugs, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.