Abu Sayyaf members sumuko sa AFP sa Sulu

By Len Montaño August 01, 2018 - 08:05 PM

Inquirer file photo

Sumuko sa militar ang 11 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Talipao, Sulu.

Ayon sa Western Mindanao Command, sumuko ang mga ASG members sa 2nd Special Forces Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Jessie Montoya.

Ang sumukong mga miyembro ng naturang local terrorist group ay ang sumusunod:

Rodzhaimer Asiri Bagade

Aldimar Amih Alih

Abraham Bantolan

Alben Samsorane Hajan

Michael Using Amil

Winison Ayhal Saldi

Muhaimen Tikusan Mahadulla

Madjiri Ibnil Bagade

Kinni Salih Adjal

Me Abdulmasa Hajiri

Radz Abdulmasa Hajiri

Isinuko rin ng mga ito ang kanilang mga armas kabilang ang isang US M16 rifle, anim na US M1 Garand rifles, isang M79 GL, isang UZI at dalawang .45 caliber pistols.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Divino Rey Pabayo na dinala ang 11 sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital para sa physical at medical examinations.

Ayon sa militar, nasa kabuuang 164 Abu Sayyaf members ang sumuko na at nagbalik ng kanilang mga armas ngayong taon.

Ang 76 sa mga ito ay mula sa Sulu, 63 mula sa Basilan, 5 mula sa Tawi Tawi at 2 mula sa Zamboanga.

TAGS: Abu Sayyaf, AFP, Sulu, Abu Sayyaf, AFP, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.