Malalim na imbestigasyon sa pagsabog sa Basilan iniutos ng pangulo

By Chona Yu August 01, 2018 - 08:03 PM

Inquirer file photo

Labis na nabahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na car bombing kahapon sa Lamitan City, Basilan kung saan humigit kumulang sa sampu katao ang nasawi.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, personal na kinausap ng pangulo sina National Security Adviser Hermogenes Esperon at Interior and Local Government officer in charge Eduardo Año.

Nais ng pangulo na alamin kung anong grupo ang nasa likod ng pagsabog at kung ano ang kanilang motibo.

Ayon kay Go, wala naman dapat ideklara ang pangulo kaugnay sa nangyari dahil umiiral pa ang Martial Law sa buong Mindanao hanggang sa katapusan ng taon.

Balak din aniya ng pangulo na bisitahin ang mga nasawi sa pagsabog pero dahil sa mga Muslim ang mga ito ay kaagad silang nailibing.

Tiniyak naman ng Malacañang na mabibigyan ng tulong ang mga kaanak ng mga namatay sa pagsabog.

TAGS: Bombing, duterte, Lamitan, Malacañang, Bombing, duterte, Lamitan, Malacañang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.