Pamilya Aquino ginunita ang kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino

By Jimmy Tamayo August 01, 2018 - 04:05 PM

Inquirer photo

Kasama ang kanyang mga kapatid ay inalala ni queen of all media Kris Aquino ang 9th death anniversary ng kanyang ina na si dating Pangulong Cory Aquino.

Sa kanyang Instagram post ay sinabi ng aktres na nanghihinayang ito dahil hindi na nasaksihan ng kanyang ina ang paglaki ng kanyang mga anak; kung gaano sila ka-responsable, ka-bait, ka-talino, at iba pa.

Nauna nang sinabi ni Kris na hanggang ngayon ay hindi niya malilimutan ang mga bilin ng kanyang ina lalo’t ilang beses siyang na-involved sa nga kontrobersiya.

Pero sa kabila umano kanyang mga pinagdaanan sa buhay ay nanatiling nakasubaybay sa kanya ang kanyang ina.

Kaninang tanghali ay magkakasunod-na dumating ang magkakapatid na Aquino sa puntod ng kanilang ama at ina sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Present rin sa nasabing pagtitipon ang mga kaibigan ng pamilya at ilang mga dating miyembro ng gabinete ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

TAGS: cory aquino, death anniversary, Kris Aquino, Noynoy Aquino, cory aquino, death anniversary, Kris Aquino, Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.