Mayor Sara Duterte hindi tatakbo sa anumang national post ayon kay Pang. Duterte

By Chona Yu August 01, 2018 - 12:42 PM

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo sa national level ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa talupmati ng pangulo sa anibersaryo ng National Intelligence Coordinating Agency sa PICC sa Pasay City, sinabi ng pangulo na pabor siya na magkaroon ng isang anti-political dynasty law.

“So ako, by the way, I am in favor of putting up a very — a dynasty law. Okay ako, wala akong problema. Ang anak ko, si Inday, I can tell you I know her. Hindi magtatakbo ‘yan ng national. Ganun lang ‘yan,” ayon sa pangulo.

Matatandaang sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nasa ikatlo hanggang ikalimang puwesto si Mayor Sara sa senatorial survey.

Bukod dito, matagumpay din na nakapagpa-accredit si Mayor Sara sa Commission on Elections ng kanyang regional political party na “Hugpong ng Pagbabago”.

TAGS: 2019 elections, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Sara Duterte, 2019 elections, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.