Pulis na sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo arestado sa Mandaue City

CDN Photo

Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa Cebu City Police Station 2 makaraang masangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo.

Nakipaghabulan pa sa mga kapwa niya pulis si PO2 Argel Abella Fuentes, Miyerkules (August 1) ng madaling araw matapos matuklasan ang ginawa nitong pagnanakaw ng motorsiklo sa Barangay Tiolo sa Mandaue City.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktima ni Fuentes at sinabing tinutukan umano siya ng baril ng isang lalaki at saka tinangay ang motorsiklo nya.

Agad nagkasa ng follow up operation ang mga otoridad at nang makita ang motorsiklong tumugma sa diskpripsyon nang biktima, sinabihan nila ang sakay nito na huminto.

Pero pinaharurot pa ni Feuntes ang motorsiklo dahilan para mauwi sa habulan ang insidente.

Nang maharang na ng mga kabaro, wala nang nagawa pa si Fuentes.

Nabigo si Fuentes na magpakita ng mga dokumento na magpapatunay na pag-aari niya ang motorsiklo kaya agad siyang inaresto.

Iniimbestigahan din ng mga otoridad ang ulat na sangkot pa si Fuentes sa walong insidente ng robbery sa Mandaue City.

Read more...