Miyembro ng crime gang patay sa shootout sa Laguna
Patay ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng crime gang matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Laguna.
Ayon kay Supt. Chitadel Gaoiran, tapagsalita ng CALABARZON naganap ang insidente sa Barangay Platero sa Biñan City.
Kinilala ang nasawing suspek na si Rolando Bugarin na miyembro ng “Pogi” criminal group at nasa drugs watchlist ng pulisya.
Nagtungo umano ang mga otoridad bahay ni Bugarin Martes ng gabi para isilbi ang search warrant.
Pero sa halip na sumuko bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga otoridad dahilan para mauwi sa engkwentro ang insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.