Nahinto ang debate nang i-adjourn na ang sesyon pero bitin pa ito kaya itutuloy Miyerkules ng hapon ng mga kongresista na nauwi pa nga sa sigawan.
Naghain ng mosyon si Buhay Rep. Lito Atienza para sa adjournment dahil wala ng sapat na bilang ng kongresista sa plenaryo sa gitna ng debate sa isyu ng minority leadership.
Nai-adjourn na ni Deputy Speaker Fred Castro ang sesyon pero humirit ng apela si dating Majority Leader Rodolfo FariƱas na hindi na rin naman pinagbigyan pa.
Bago ang sigawan, nagkaroon ng mahabang debate ang mga kongresista sa isyu ng minority leadership.
Sa interpelasyon ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe kay Marikina Cong. Miro Quimbo, sinabi nito na hindi na dapat mabago ang minorya sa kamara dahil speaker lamang naman ang pinagbotohan noong nakaraang Lunes.
Pero sinabi ni Quimbo na kung susundin ang lohika ni batocabe, darami ang mga doble kara sa kamara.
Hindi anya pwedeng ang minority leader ng kamara ay best friend ng speaker.