Larawan ng umano’y Moroccan suicide bomber sa Basilan, inilabas ng ISIS

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 01, 2018 - 09:19 AM

Photo from SITE Intel Group

Inilabas ng ISIS ang larawan ng isang lalaki na tinukoy nitong Moroccan national na nasa likod umano ng suicide bombing attack sa Basilan.

Sa website ng SITE Intel Group, ipinakita ang larawan ng lalaking Moroccan at nakasaad na siya ang nag-execute o nagsagawa ng pag-atake sa Basilan na ikinasawi ng 10 katao kabilang na ang bomber.

Tinukoy ang pagkakakilanlan nito bilang Abu Kathir al-Maghribi.

Taliwas din sa official death toll ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na 10 nasawi, sinabi ng ISIS na 15 sundalo ang napatay nila sa pag-atake.

Una nang sinabi ng AFP na patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente at kasama sa iniimbestigahan ay kung anong grupo ang nasa likod nito.

TAGS: Basilan, car bomb, ISIS, Suicide Attack, Basilan, car bomb, ISIS, Suicide Attack

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.