Ayon kay AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang isa sa mga CAFGU na unang napaulat na nasawi ay ginagamot pa ngayon sa ospital.
Dahil dito, 10 lang ang official death toll sa insidente na kinabibilangan ng 1 sundalo, 4 na CAFGU, 4 na sibilyan at ang driver ng van.
Matapos namang akuin ng ISIS ang insidente, sinabi ni Arevalo na madali para sa anumang grupo na sakyan ang pangyayari.
Gayunman, tiniyak ni Arevalo na hindi nila agad inaalis ang posibilidad na ISIS nga ang nasa likod ng pag-atake.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog.
MOST READ
LATEST STORIES