Death toll sa Basilan blast, ibinaba sa 10 ng AFP
Mula sa labingisa, ibinaba sa sampu ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bilang ng mga nasawi sa car bomb sa Lamitan City, Basilan.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang isa sa mga CAFGU na unang napaulat na nasawi ay ginagamot pa ngayon sa ospital.
Dahil dito, 10 lang ang official death toll sa insidente na kinabibilangan ng 1 sundalo, 4 na CAFGU, 4 na sibilyan at ang driver ng van.
Matapos namang akuin ng ISIS ang insidente, sinabi ni Arevalo na madali para sa anumang grupo na sakyan ang pangyayari.
Gayunman, tiniyak ni Arevalo na hindi nila agad inaalis ang posibilidad na ISIS nga ang nasa likod ng pag-atake.
Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.