Taas presyo sa LPG ipinatupad ng mga kumpanya ng langis ngayong araw

Sinalubong ng dagdag presyo sa Liquified Petroleum Gas ang unang araw ng buwan ng Agosto.

Sa abiso ng Petron, dagdag na P1.75 kada kilo ng kanilang LPG ang ipinatupad nito alas 12:01 ng madaling araw ng Miyerkules.

Katumbas ito ng P19.25 na dagdag sa presyo ng bawat 11-kilogram LPG cylinder.

Nagdagdag din ang Petron ng P1 sa kada litro ng kanilang AutoLPG.

Samantala, ang kumpanyang Solane naman ay nagpatupad ng P1.72 na dagdag sa kada kilo ng kanilang LPG epektibo alas 6:00 ngayong umaga.

Katumbas naman ito ng P18.92 na dagdag sa bawat 111-kilogram LPG cylinder.

Read more...