Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, magiging maulap ang kalangitan na may mga pag-ulan sa Palawan, Mindoro, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Samantala, katamtamang maulap na kalangitan na may panandaliang mga pagbuhos ng ulan dulot pa rin ng Habagat ang mararanasan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng MIMAROPA at Mindanao.
Ibinababala pa rin ng weather bureau ang posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay ‘generally fair weather’ ang mararanasan o maalinsangang panahon.
Samantala, isang sama ng panahon naman ang namataan sa layong 1,600 kilometro Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Sa ngayon ayon sa PAGASA ay mababa pa ang tyansang pumasok ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility.