PNP kinondena ang pag-atake sa Basilan; pagtugis sa mga suspek, ipinangako

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na pananagutin ang nasa likod ng pagsabog sa Lamitan City na ikinasawi ng 11 katao.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesman Senior Supt. Benigno Durana na idedeploy ng PNP ang lahat ng magagamit na pwersa para mapanagot ang pasimuno ng krimen.

Nanawagan din ang pambansang pulisya sa mga mamamayan ng Basilan na huwag matakot sa nangyari at maging kalmado at mapagmatiyag sa anumang banta ng karahasan.

Sinabi pa ng PNP na nakikiisa ang buong pwersa nito sa buong bansa sa pagkondena sa terror act anuman ang motibo ng mga nasa likod ng krimen.

Kabilang sa mga nasawi ay isang sundalo, limang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit (CAFGU), apat na sibilidyan at driver ng sumabog na sinasakyan na hinihinalang suspek.

Read more...