Posibilidad na magkaroon ng El Niño mas lumalaki ayon sa PAGASA

Posibleng magkaroon ng mahinang El Niño sa huling bahagi ng taon ayon sa PAGASA.

Ito ay dahil sa patuloy na pag-init ng sea surface temperature na isang indikasyon ng naturang phenomena.

Ayon sa weather bureau, ngayong Agosto ay magpapatuloy ang ‘neutral condition’ ng panahon kung saan posibleng walang La Niña o El Niño ngunit ang posibilidad ng huli ay maaaring tumaas ng 65 percent sa huling bahagi ng 2018.

Ang El Niño ay isang weather phenomenon kung saan nagiging mas mainit ang temperatura sa ibabaw ng dagat partikular sa Karagatang Pasipiko at nagdudulot ng tag-tuyot sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Huling nakaranas ng malakas na El Niño ang bansa noong 2015 hanggang 2016.

Samantala, posibleng pumasok ang dalawa hanggang tatlong bagyo sa bansa ngayong buwan ayon sa rekord ng PAGASA.

Mananatili naman ang pag-ihip ng Habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa bansa.

Read more...