10 ang patay sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan sa nakalipas na magdamag

Umabot sa sampung katao ang nasawi sa lalawigan ng Bulacan sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa iba’t ibang bayan.

sa Barangay Santisima Trinidad sa Malolos City, patay ang suspek na si Alyas Alden nang manlaban sa ikinasang buy-bust ng mga pulis.

Napag-alamang kabilang si alyas Alden sa barangay drug watchlist at sangkot ito sa serye ng robbery holdup sa lugar.

Sa Malolos City pa rin isang hindi pa nakikilalang lalaki ang nasawi matapos maka-engkwentro ang mga otoridad sa loob ng Camella Homes Subdivision.

Ayon sa mga otoridad, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na mayroong tatlong kahina-hinalang lalaki na nag-iikot sa naturang subdivision at nang rumpesponde ang mga pulis namataan nila ang mga tatlo na agad nagpaputok.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga lalaki, habang nakatas naman ang dalawa nitong kasamahan.

Sa Barangay Caingin naman sa bayan ng San Rafael, tatlong miyembro ng robbery holdup group ang nasawi matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang dragnet operation ng mga pulis.

Pinagnakawan ng grupo ang isang convenience store sa Barangay Tambubong bago tumakas sakay ng isang silver na kotse na dumaan sa bypass exit patungong Maynila subalit naharang sila ng mga pulis.

Sa halip na sumuko ay tinangka nilang tumakas at nangpaputok pa sa mga otoridad.

Sa Barangay Tawiran, Obando naman ay nasawi si alyas Keng-Keng na isang tulak ng iligal na droga.

Ayon sa mga otoridad, natunugan ni alyas Keng-Keng na pulis pala ang kanyang katransaksyon.

Sa San Jose Del Monte Bulacan patay ang dalawang suspek na riding in tandem nang maka-engwentro ng mga tauhan ng PNP Highway Patrol Group. Hinihinilang sangkot sa carnpapping at illegal drugs ang mga suspek.

Sa Pulilan, isa ang patay sa buy bust operation matapos manlaban ang suspek sa mga pulis. Kinilala ang nasawi sa alyas na Bogart habang nakatakas ang isa nitong kasama.

At sa Baliwag, isang hinihinalang tulak ng droga ang nasawi rin na kinilalang si Mark Chester Manalang matapos manlaban sa mga otoridad.

Nakatakas naman ang kasama ni Manalang lulan ng motorsiklo.

Read more...