Palengke sa Valenzuela City nasunog

By Justinne Punsalang August 01, 2018 - 03:51 AM

Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng Malinta Public Market sa Valenzuela hatinggabi ng Miyerkules.

Ayon sa Valenzuela City Fire Department, alas-12:57 ng hatinggabi nang itawag sa kanilang ang tungkol sa sunog.

Umabot sa ikalawang alarma ang pagliliyab na idineklarang fireout bandang ala-1:42 ng madaling araw.

Ayon sa mga otoridad, naganap ang pagliliyab sa dry goods section ng palengke kung saan anim na stalls ang nasunog.

Maswerte namang walang nasugatan o nasawi dahil sa insidente.

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pinagmulan ng pagliliyab, maging sa kabuuang halaga ng pinsalang dulot nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.