Pinagmulta ng PBA ang tatlong manlalaro ng San Miguel at dalawang manlalaro ng Barangay Ginebra matapos ang kanilang Game 2 sa Commissioner’s Cup Finals series.
Bumawi ang San Miguel at tinalo ang Ginebra 134-109 sa best-of-7 series kung saan tabla sa tig-1 panalo ang dalawang koponan.
Pinalabas ng court sina SMB players Chris Ross at Arwind Santos dahil sa magkahiwalay na infractions.
Dahil dito, pinagmulta ng liga si Ross ng P2,600 dahil sa dalawang technical fouls.
Si Santos naman ay pinagmulta ng P5,000 dahil sa flagrant foul, na unang tinawag na penalty 2 pero ibinaba sa penalty 1.
Habang P5,000 ang multa sa import ng Beermen na si Renaldo Balkman dahil sa flagrant foul penalty 1.
Samantala, P1,000 ang multa kay Ginebra forward Kevin Ferrer dahil sa technical foul for second motion at P1,000 din ang multa kay Joe Devance dahil sa technical foul for second motion matapos i-review ang laro.
Muling magsasagupa ang San Miguel at Ginebra sa Game 3 sa Miyerkules.