Presyo ng mga commercial rice, muling tumaas

Inquirer file photo

Kahit may mabibili ng mga NFA rice sa mga pamilihan, patuloy sa pagtaas ang presyo ng mga commercial rice.

Sa Kamuning Market sa Quezon City, P1 kada kilo ang itinaas sa presyo ng halos lahat ng uri ng commercial rice.

Ayon sa mga tindero, nagtaas ng presyo ang mga suppliers ng commercial rice na umabot hanggang P50 kada sako at ang presyo ay ipinasa sa mga mamimili.

Isang retailer ang nagsabi na akala niya ay bababa na ang presyo ng bigas sa pagdating ng NFA rice pero lalo pang tumaas.

Samantala, sinabi ni NFA Spokesperson Rex Estoperez na nasa bansa na ang 197,000 metrikong tonelada ng NFA rice na inangkat sa pamamagitan ng government to government procurement.

Pero nakaabala ang masamang panahon sa pagbababa ng rice shipment mula sa mga barko na nakadaong sa mga pantalan.

Paliwanag nito, hindi nakaka-impluwensya ang NFA rice sa merkado dahil limitado pa ang suplay.

Read more...