Gown ni Maine Mendoza, unang isinuot ni Kim Chiu

Photograb mula sa FB

“Yes it is the same gown”.

Agad na dumipensa ang kilalang fashion designer na si Francis Libiran ukol sa gown na isinuot ni Maine ‘YayaDub’ Mendoza sa Tamang Panahon charity concert ng Eat Bulaga kahapon, araw ng Sabado.

Kumalat kasi sa social media ang larawan ni Kim Chui na nakasuot ng kaparehong gown na isinuot ni Maine sa Tamang Panahon event.

Nagdulot ito ng mainit na debate sa pagitan ng mga fans at bashers ni Maine.

Sa Instagram post ni Libiran, sinabi nito na ang gown ni Maine ay binili ng Eat Bulaga Production para sa naturang concert.

Pag-amin ni Libiran, ang nabanggit na gown ay unang isinuot ni Kim bilang model sa Metrowear Icon Francis Libiran fashion show.

Pero pagkatapos nito, wala na raw ibang celebrity ang gumamit sa gown, kahit sa anumang event.

Pinasalamatan naman ni Libiran si Maine at mga stylist nito sa pangunguna ni Liz Uy, sa pagpili ng isang ‘beautiful Francis Libiran dress’ para sa okasyon.

Read more...