Presyo ng LPG magtataas bukas, August 1

Tataas ang presyo ng liquified petroleum gas (LPG) simula bukas, August 1.

Sa abiso ng Petron, magpapatupad ito ng P1.75 kada kilo sa kanilang LPG na panluto epektibo 12:01 ng umaga ng Miyerkules.

Kasama na sa nasabing adjustment ang value added tax (vat).

Itaas din ng Petron ang presyo ng kanilang auto lpg ng piso kada litro.

Ayon sa Petron, ang taas-presyo ay sumasalamin sa international contract price ng LPG para sa buwan ng Agosto.

Read more...