Grupo ni Alvarez, Fariñas tinanggap ng isang paksyon ng minorya sa Kamara
Kabilang na sa isang paksyon ng minorya sa Kamara ang grupo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito ay matapos tanggapin ni Deputy Minority Leader Eugene De Vera ang aplikasyon ng mga ito.
Sa liham ni De Vera kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, nakasaad na tinanggap na nito ang aplikasyon ng mga dating taga-mayorya sa pangunguna ni Alvarez.
Kabilang din sa tumawid ng bakod sina dating Majority Leader Rodolfo Fariñas, House Committee on Good Government Chair Johnny Pimentel, House Justice Committee Chair Rey Pimentel, House Committee on Constitutional Amendments Chair Roger Mercado, House Tourism Chair Lucy Torres at walong iba pa.
Sumulat ang grupo nina Fariñas kay De Vera dahil ayon sa kanya, ito ang maging acting minority leader matapos hindi ito bumoto pabor kay Speaker GMA.
Bukod sa grupo ni De Vera, inaangkin din nina Quezon Rep. Danilo Suarez at Marikina Rep. Miro Quimbo ang pagiging minorya sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.