Pagpasa sa TRAIN 2, mamadaliin ng Kamara – Speaker GMA
Personal na tututukan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-usad ng ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Ayon kay SGMA, hindi siya magtatakda ng deadline para sa pagpasa nito sa Mababang Kapulungan pero kailangan aniya na ito ay matutukan.
Kapag naging batas ayon sa pinuno ng Kamara, malaki ang maitutulong nito para sa reporma sa buwis.
Samantala, nilinaw naman ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu na hindi magiging pabigat sa publiko ang isinusulong na TRAIN 2.
Paliwanag ni Abu, hindi ito tax measure na magpapataw ng bagong buwis bagkus magpapababa aniya ng corporate income tax bukod pa sa aalisin nito ang mga redundang incentives ng mga kumpanya.
Suporatado naman ani Abu ang pagtulong sa mga nagsisimulang kumpanya pero dapag itong taningan para hindi pangmatagalan ang pagbibigay ng insentibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.