Bilang ng mga Pilipinong nabigyan ng UCT cash grants, umabot na sa 56.52% – DSWD
Mahigit-kumulang 5.65 na milyon sa 10 milyong Pilipino ang nakatanggap ng kanilang Unconditional Cash Transfer (UCT) para sa kasalukuyang taon.
Ang UCT ay isang tax subsidy program sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagkakahalaga ng P2,400 kada tao.
Sa ngayon, naglabas na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang P13,477,994,400 para sa 5,651,831 na benepisyaryo.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, aabot sa 56.52 percent na ang nabuo ng ahensya sa kanilang target.
Plano rin aniya ng ahensya na matapos ang pagbibigay ng cash grants sa nalalabing 4,348,417 sa Setyembre.
Kabilang sa cash grants ang mga 4,295,464 na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, 1,215,426 na matatanda sa Social Pension Program at 104,941 pamilya sa ilalim ng Listahan.
Tiniyak naman ni Orogo na mapabilis ang pagbibigay ng cash assistance sa mga Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.