Publiko, pinakakalma ng Palasyo ukol sa recalibrated na Oplan Tokhang

ANTI-DRUG CAMPAIGN / SEPTEMBER 14, 2016
Pasig police arrests two drug subjects at Alley 3, ROTC Street, Barangay Rosario, Pasig City.
INQUIRER PHOTO / RICHARD A. REYES

Pinakakalma ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na ikinakasa na ng kanilang hanay ang recalibrated na Oplan Tokhang.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko lalo na ang mga sumusunod sa batas na magiging relentless at chilling ang ikalawang yugto ng kampanya kontra sa ilegal na droga.

Sinabi pa ni Roque na dapat ang mga taong sangkot lamang sa ilegal na droga ang dapat matakot sa recalibrated na Oplan Tokhang.

Tiniyak pa ni Roque na susunod ang PNP sa rule of law sa kampanya kontra sa ilegal na droga.

“It will be relentless. Basta it will be the full force of the law. So criminals, there’s reason for you to be chilled. But for law abiding individuals, you’re secure in your life, liberty and papers ‘no. Okay?,” pahayag ni Roque.

Matatandaang sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte noong July 23, sinabi nitong tuloy ang kampanya kontra sa ilegal na droga.

Read more...