Kasong plunder, graft ni Jinggoy Estrada itutuloy sa Sandiganbayan

By Len Montaño July 31, 2018 - 06:32 PM

Tuloy ang paglilitis kay dating Senador Jinggoy Estrada sa kinakaharap nitong kaso kaugnay ng pork barrel scam.

Ito ay matapos ibasura ng Korte Suprema ang hiling ni Estrada na dismissal sa kanyang plunder case.

Dahil sa desisyon ay muling sasalang sa paglilitis sa Sandiganbayan ang dating sendor.

Sa ngayon ay pansamantalang laya si Estrada matapos itong payagang makapag-piyansa.

Habang naka-bail ay muling hiniling ni Estrada sa SC na ibasura ang kanyang kasong pandarambong, bagay na hindi pinagbigyan ng korte.

Inakusahan ang dating mambabatas ng umano’y P183 milyon na kickback mula sa mga pekeng proyekto kasama ang sinasabing utak ng PDAF scam na si Janet Lim-Napoles.

TAGS: graft, Jinggoy Estrada, plunder, pork barrel scam, graft, Jinggoy Estrada, plunder, pork barrel scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.