PCG, nagbabala vs ‘colorum’ na pampasaherong bangka

Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa “colorum” na naglalayag na pampasaherong bangka sa bansa.

Sa pahayag ng PCG, inabisuhan ang mga bakasyunista na iwasang makasakay sa mga hindi otorisadong bangka.

Ito ay matapos mapaulat ang paglubog ng isang motor banca sa Roxas City, Capiz nitong Linggo.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, walang permit to travel at hindi otorisadong magsakay ng mga pasahero ang naturang bangka.

Lumabas din sa imbestigasyon na isang Jesus Ziban ang kumuha sa bangka na patungo sana ng Tuwad island.

Dahil dito, sinabi ng PCG na sasampahan ng kaso ang may-ari at kapitan ng bangka.

Agad namang nakaalis ang lahat ng nasagip na crew at pasahero sa PCG station sa Capiz matapos ang ibinigay na tulong-medikal.

Read more...