2018 Miss Universe, gaganapin na sa Thailand
Nakatakdang isagawa ang ika-67 Miss Universe pageant sa bansang binansagang Land of Smiles o Thailand.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Miss Universe Organization na ibinigay nila ang ‘sole proprietorship’ sa isang Thai investment firm upang maigng host ng pageant ngayong Disyembre.
Ito na ang ikatlong beses na isasagawa ang coronation night sa nasabing bansa. Una ay noong 1992 o ang ika-41 Miss Universe, at sumunod naman ay noong 2005 o ang ika-54 na edisyon ng beauty pageant kung saan si Miss Universe Canada, Natlie Glebova ang nanalo at matapos ito ay nanatili na siya sa Thailand.
Ikinalugod naman ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang pagpili sa kanilang bansa bilang host.
Aniya isang magandang balita na nakita ng Miss Universe Organization ang potensyal ng Thailand.
Ayon pa dito, ang kanilang Ministry of Tourism and Sports ang mamamahala sa event.
Samantala, sa official Facebook page naman ng pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ay ibinahagi nito ang isang video tampok siya at ang iba’t ibang lugar at residente sa naturang bansa.
Gaganapin ang 2018 Miss Universe sa Impact Arena sa December 16, 2018.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.