2 patay, 9 kritikal sa karambola sa Makati

By Angellic Jordan July 31, 2018 - 05:39 PM

Photo credit: Dexter Cabalza, PDI

Dalawa ang kumpirmadong patay sa nangyaring karambola sa Makati City, Martes ng umaga.

Sa nakuhang CCTV footage ng Makati police, makikitang nawalan ng kontrol ang isang kulay gray na Mitsubishi Montero na may plakang TOU954 habang binabagtas ang Jacinto Street, Barangay Pitogo.

Dahil dito, nadamay ang walong sasakyan kabilang ang apat na tricycle, tatlong motorsiklo at isang Toyota Vios.

Dead-on-the-spot ang dalawa habang siyam naman ang napaulat na malubhang nasugatan sa insidente.

Agad naisugod ang driver ng Montero na si Angelita Cajuday, 65-anyos sa Makati Medical Center.

Samantala, dinala naman ang anim na sugatan sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City at tatlong biktima sa Ospital ng Makati.

TAGS: karambola, Makati Police, Mitsubishi Montero, karambola, Makati Police, Mitsubishi Montero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.