Bukas ang Palasyo ng Malakanyang sa lahat ng dayuhang mamumuhunan na maglagak ng negosyo sa Boracay island.
Pero ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, malinaw ang public policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi papayagan ang pagkakaroon ng casino sa isla.
“Well I think what the President has said is that he will not allow casinos. All other
investments are otherwise welcome into Boracay,” ani Roque.
Paliwanag ni Roque, labag sa good morals ang casino dahil nanghihikayat lamang ito ng masamang bisyo partikular na ang pagsusugal.
Matatandaang binalaan na ng Malakanyang ang Leisure and Resorts World Corporation at Galaxy Entertainment Group Limited na huwag subukan ang political will ng pangulo at huwag pilitin ang pagbubukas ng casino kahit na mayroong provisional license dahil tutol ang punong ehekutibo sa pagkakaroon ng pasugalan sa isla.