LOOK: Mga economic managers ng gobyerno, pinulong ni Speaker GMA

By Erwin Aguilon July 31, 2018 - 04:27 PM SHARE(S):
Photo credit: SGMA

Nakipagpulong kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa Kamara ang bumubuo sa mga economic manager ng Duterte administration.

Ayon kay Arroyo, “professor to professor” ang naging pagpupulong kung saan hindi lamang ekonomiya ang napag-usapan kundi maging kung paano maresolba ang isyu sa inflation rate ng bansa.

Kabilang sa mga present sa pulong sina Budget Sec. Benjamin Diokno, NEDA Sec. Ernesto Pernia, Finance Sec. Carlos Dominguez at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr.

Kasama rin sa “working lunch” sina House Majority Leader Rolando Andaya, House Appropriations Committee chairman Karlo Alexei Nograles, at Albay Rep. Joey Salceda.

Nangyari ang naturang pagpupulong sa unang araw ng deliberasyon ng Kamara sa P3.757 trillion-proposed 2019 national budget.

TAGS: economic managers, inflation rate, Speaker GMA, economic managers, inflation rate, Speaker GMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.