Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Southern Leyte, Martes ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyo ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 3 kilometers South ng Hinundayan dakong 2:51 ng hapon.
May lalim ang lindol na 1 kilometer at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang napaulat na nasirang ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks sa Phivolcs matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.