Siniguro ni Budget Secretary Benjamin Diokno na matutuloy ang midterm elections sa May 2019.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Diokno na may nakalaang budget na para sa 2019 elections.
Sa pagtatanong ni House Majority Leader Rolando Andaya, sinabi ni Diokno na P11 bilyon ang nakalaang pondo ngayong taon para paghandaan ang eleksyon.
Bukod pa aniya ito sa P7 bilyon alokasyon sa susunod na taon.
Iginiit ni Andaya na patunay lamang ang pagkakaroon ng budget allocation na matutuloy ang halalan sa susunod na taon.
Nauna rito, sinabi ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na “praktikal” kung hindi magdaraos ng eleksyon aa susunod na taon upang matutukan ang pagpapalit ng porma ng pamahalaan na kinontra naman ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.