Intelligence capability ng PNP at AFP, pinare-review ng Malakanyang
Inatasan ng Malakanyang ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na rebyuhin ang kanilang intelligence capability.
Pahayag ito ng palasyo matapos ang naganap na car bombing sa Lamitan City, Basilan kung saan labingisang tao ang nasawi.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maituturing na war crime ang naganap na pagsabog.
Ito ayon kay Roque ay dahil isa itong indiscriminate attack, may mga biktimang sibilyan na mahigpit na ipinagbabawal sa International Humanitarian Law o IHL.
Ipinaliwanag ni Roque na sa ilalim ng IHL, dapat ay limitado lamang ang mga pag-atake sa military targets, at walang dapat madamay na sibilyan lalo na mga menor de edad.
Sa ngayon, sinabi ni Roque na hindi pa batid ng palasyo kung sino o anong grupo ang nasa likod ng pag atake.
Tiniyak ni Roque na hindi tumitigil ang mga otoridad para matunton ang may kagagawan ng pagpapasabog.
Ayon kay Roque, hustisya sa mga biktima at kanilang kaanak ang pinagpupursigehan ngayon ng pamahalaan sa pangyayaring ito.
Isa ang basilan sa mga kilalang balwarte ng Abu Sayyaf Group (ASG), bagaman sinasabing mahina na ang pwersa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.